Panukalang Pagtatayo ng Crematorium, Columbarium at Burulang Bayan sa Cauayan City, Naisabatas na

Cauayan City, Isabela- Naisabatas na ang panukalang pagtatayo ng crematorium, columbarium at burulang bayan sa Cauayan City na kauna-unahan sa buong Cagayan Valley region.

Ito ay sa ilalim ng Ordinance no. 2021-393 o “An Ordinance providing for the operation of the Cauayan City Public Crematorium, Columbarium and ‘Burulan ng Bayan’ at San Francisco Public Cemetery” na akda ni City Councilor Edgardo “Egay” Atienza Jr.

Layunin umano ng batas na ito na makapagbigay ng mas mura na crematorium services hindi lamang para sa mga residente ng lungsod maging sa mga residente mula sa mga kalapit na bayan upang hindi na kailangan pang pumunta ng mga kaanak sa malalayong lugar para makakuha ng crematorium services lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Nakapaloob sa ordinansa ang OPERATION OF THE CREMATORIUM: “Rates and Conditions for Crematorium Services” kung saan may nakalaan na mas murang bayarin gaya sa Cadaver a.) Child P4,000 b.) Adult P10,000 c.) Non-resident P20,000 d.) Senior Citizen/PWD/Indigent P8,000 habang sa Bones o buto: a.) Cauayan City resident P6,000 b.) Non-resident P8,000.

Habang sa COLUMBARIUM RATE AND FEES: Services (Columbary Vault Entrance Fee P2,000); at sa Annual Rental for Vaults (CADAVER: Bottom two vaults P1,000 or P100/month, 3rd to 5th Tier (from bottom) P2,000 o P200/month, 6th at 7th tier P1,500 o P150).

Para naman sa “Burulang Bayan” rate and fees (P500/day or extension, P500/day Funeral Decorative lights at P300/day Funeral Sounds).

Maa-avail naman ng senior citizen at PWDs ang 20% discount at exempted din sila sa Value Added Tax (VAT) na nakapaloob sa RA 9994 at RA 10754.

Bukod pa dito, kung sakali man na maklasipika mula sa dalawa o higit pang kategorya ay maia-apply ang lowest rate na babayaran pero hindi ito maaaring magamit ng mga hindi residente ng lungsod.

Bago naman isagawa ang cremation service ay kinakailangan munang mabayaran ng buo ang halaga ng serbisyo at ipresenta ang ‘official receipt at certified documents mula sa Treasury Office.

Kaugnay pa rin nito, kailangan naman ng written consent ng lahat ng kaanak hanggang fourth civil degree upang matiyak na ang gagawing cremation ay hindi bahagi ng pagtatago ng criminal liabilities ng namatay at ang pagpapahintulot na gawin ang serbisyo.

Papapanagutin naman ang mga empleyado ng city hall na mapapatunayang may falsification o unlawful acts na naaayon alinsunod sa Republic Act 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Facebook Comments