Panukalang pagtatayo ng permanent evacuation centers sa buong bansa, dapat iprayoridad ng Senado kumpara sa MIF Bill

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa Senado na unahing ipasa ang panukalang pagtatayo ng mga permanenteng evacuation centers sa bawat munisipalidad at lungsod kumpara sa panukalang Maharlika Investment Fund o MIF Bill.

Ang panukalang Permanent Evacuation Centers Act ay naipasa na sa Mababang Kapulungan pero nakabinbin pa sa Senado.

Diin ni Castro, sa pananalasa ngayon ng Super Typhoon Betty ay napatunayan na ito ang mas dapat sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos sa halip na ang MIF Bill.


Paliwanag ni Castro, hindi akma o nakadisenyo bilang mga evacuation center ang mga paaralan, open courts o gyms na madalas ginagamit na pansamantalang tirahan ng mga inililikas tuwing may kalamidad.

Facebook Comments