Korean national na tumakas sa BI detention center, naaresto na

Nadakip na muli ng mga awtoridad ang Korean national na sinasabing tumakas sa detention facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan sa Taguig City.

Si Kang Juchun, 38 ay naaresto sa isang condominium unit sa N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City.

Ang puganteng Koreano ay nadakip ng magkakasanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), NISG AT National Bureau of Investigation (NBI).


Si Kang ay unang tumakas noong May 21 matapos na tumalon na mataas na bakod ng detention center.

Ang naturang Korean national ay may mga kasong murder sa iba’t ibang korte sa South Korea.

Facebook Comments