Panukalang pahabain ang termino ng mga kongresista, tinutulan

Manila, Philippines – Agad kinontra ng Senate minority bloc at ni Senator Panfilo Ping Lacson ang panukala ni Congressman Alan Peter Cayetano na mapalawig ang termino ng mga kongresista sakaling matuloy ang pag-amyenda sa konstitusyon.

Pagtiyak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, haharangin nila ang plano ni Cayetano.

Para kay Lacson, mali ang unang hakbang ni Cayetano bilang incoming house speaker.


Ayon kay Lacson, dahil sa plano ni Cayetano ay pwedeng huwag ng gawin ang charter change sa ilalim ng 18th Congress.

Giit pa ni Senator Lacson, dapat unahin ang bayan bago ang sariling interes.

Facebook Comments