Panukalang palitan ang pangalan ng NLEX, lusot sa final reading ng Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukala na palitan ang pangalan ng North Luzon Expressway at gawin itong Marcelo H. Del Pilar Expressway.

Ayon kay Bulacan Rep. Joe Sy Alvarado, may-akda ng House Bill no. 8958, layunin ng pagpapalit ng pangalan ng NLEX ay para bigyan ng pagkilala si Del Pilar.

Ang NLEX ay mula Barangay Balintawak sa Quezon City hanggang Barangay Sta. Ines sa Mabalacat, Pampanga.


Nabatid na bago pa tawaging NLEX, dati ng pangalan nito ay Marcelo H. Del Pilar Superhighway, North Diversion Road at Manila North Expressway.

Si Del Pilar ay ipinanganak noong Agosto 30, 1850 sa Cupang, San Nicolas, Bulacan.

Facebook Comments