Panukalang palitan ang pangalang ‘Camp Aguinaldo’ sa ‘Camp Antonio Luna’, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang panukalang palitan ang pangalan ng Main Headquarters ng Armed Forces Of The Philippines (AFP).

Mula sa Camp Emilio Aguinaldo at gagawing Camp General Antonio Luna.

Ang House Bill 4047 ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel ay layong amiyendahan ang Republic Act 4434.


Ayon kay Cong. Pimentel, inilarawan ng mga historyador si Luna bilang matalino at matikas na Heneral noong Philippine-American War.

Nararapat lamang aniya na mabigyang pagkilala si Luna sa kabayanihan at katapangan nito.

Pero nilinaw ng mambabatas na ang Antonio Luna Bill ay hindi pagmamaliit kay Aguinaldo, na siyang unang Pangulo ng Pilipinas.

Facebook Comments