Isyu kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, hindi na dapat pag-usapan pa

Hindi na dapat pag-usapan pa si convicted murderer-rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez lalo’t hindi naman siya makakalaya.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos ang mga bali-balitang posibleng paglaya ng dating Alkalde.

Ayon kay Nograles, natuldukan na ang isyu at hindi na dapat pinapalaki ang isyu dahil hindi kwalipikado si Sanchez para sa Good Conduct Time Allowance dahil sa ginawa nitong karumal-dumal na krimen.


Wala ring tiyansa ang dating Alkalde na umapela sa Korte Suprema dahil malinaw ang nakasaad sa Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance Law.

Facebook Comments