Naniniwala si Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III na hindi na kailangan ng Kongreso na magpatibay ng panibagong stimulus measure o Bayanihan 3.
Ayon kay Dominguez, sasapat na ang hindi nagamit ng pondo ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 at ng 2020 national budget na aabot sa P213 billion.
Aniya, ang alokasyon na hindi nagamit mula sa 2020 national budget at Bayanihan 2 ay palalawigin ang bisa hanggang sa susunod na taon.
Giit ni Dominguez, maaari na ang naturang halaga bilang stimulus measure sa 2021.
Facebook Comments