Panukalang patawan ng VAT ang nonresident digital service providers, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 4122 o pagpapataw ng 12% value added tax o VAT sa mga digital transaction kasama ang mga online streaming service.

Kabilang dito ang mga electronic o online na serbisyo gaya ng online advertisement o digital advertising space, digital services kapalit ng subscription fee at pag-suplay ng iba pang electronic at online services na dumaraan sa internet.

Ang mga non-resident digital service provider (DSP) ay inaatasan na mangolekta ng VAT para sa mga transaksyon na dumaraan sa kanilang platform.


Inaasahang aabot sa P19 bilyon ang makokolekta ng pamahalaan sa ilalim ng panukala at ang 5-porsyento nito ay ilalaan sa creative industries development fund.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, para sa digital service ang VAT at hindi ito ipapataw sa Filipino businesses at sa educational digital services.

Dagdag pa ni Salceda, mayorya ng ASEAN economies ay nagpapataw na ng VAT sa mga nabanggit na entities at tayo na lang sa Pilipinas ang hindi pa.

Facebook Comments