Panukalang payagan na maging taga-bakuna ng COVID-19 vaccines kahit walang medical background, isinulong sa Senado

Inihain ni Senator Richard Gordon ang Senate Bill No. 1987 na nagsusulong na palakihin ang bilang ng mga maaring magturok ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Layunin ng panukala ni Gordon na payagan ding maging taga-bakuna pati ang mga dentista, beterenaryo, medical technologists at ang mga walang medical background.

Pero agad namang nilinaw ni Gordon na dapat munang isailalim ng Department of Health ang mga ito sa tamang training bago bigyan ng sertipikasyon at pahintulutang magbakuna.


Diin pa ni Gordon, dapat ay may superbisyon ng registered physician ang kanilang gagawing pagbabakuna sa limitadong panahon lamang o habang may national health emergency.

Ang panukala ni Gordon ay tugon sa limitadong bilang ng mga doktor, nurse at midwives sa bansa na magiging bahagi ng COVID-19 vaccination program.

Facebook Comments