Isinulong ni Ako Party-list Rep. Rudys Caesar Fariñas na magkaroon ng sariling security force para sa mga miyembro ng Senado at Kamara.
Nakapaloob ito sa inihain ni Fariñas na House Bill 6253 o panukalang “Philippine Legislative Police” o PLP na siyang tututok sa seguridad ng mga miyembro ng Kongreso.
Base sa panukala, trabaho rin ng PLP na protektahan ang mga “property” ng dalawang Kapulungan.
Kasama rin sa poprotektahan ng PLP ang mga asawa at kaanak ng mga mambabatas hanggang “2nd degree of consanguinity”, depende sa banta sa kanilang buhay.
Ang mga magiging miyembro ng PLP ay may kaparehong kwalipikasyon, sweldo, benepisyo, retirement age, at ranggo na katulad sa Philippine National Police.
Facebook Comments