DOJ, nakaabang na sa pagbisita ng UN special rapporteur

Nakaabang na ang Department of Justice (DOJ) sa pagbisita sa DOJ ni United Nation Special Rapporteur Mama Fatima Singhateh.

Si Singhateh ay inimbitahan ni Justice Sec. Crispin Remulla sa Huwebes, December 8, 2022 dakong 11:30am.

Sa kanilang pulong, ipapaabot ni Secretary Remulla ang kaniyang pasasalamat sa UN representative sa pagbisita nito sa Pilipinas.


Nakahanda rin ang kalihim na sagutin ang mga katanungan ni Singhateh sa ano mang usapin.

Nais din ni Remulla na ipaabot kay Singhateh ang mas malawak na kaalaman hinggil sa tunay na sitwasyon sa nangyayaring Online Sexual Abuse and Exploitation sa mga bata.

Ipaparating din niya rito ang mga hakbangin na ginagampanan ng pamahalaan ng Pilipinas sa paglaban sa mga pag-abuso sa mga bata.



Facebook Comments