Panukalang Philippine Passport Law, lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang Philippine Passport Law.

Sa botohang “ayes” at “nays,” lusot sa Mababang Kapulungan ang House Bill 8513 o New Philippine Passport Act, layong palitan ang Philippine Passport Act of 1996.

Sa ilalim ng panukalang batas, pagkakasunduin ang mga probisyon sa kasalukuyang batas sa domestic law at international agreements para sa application at issuance ng pasaporte.


Gagamit ng bagong tamper-proof data management technology para sa pag-iisyu ng pasaporte.

Pasisimplehin na rin ang passport documentation requirements ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs.

Inaatasan din ang DFA na bumuo ng bagong sistema na magbibigay sa senior citizens na i-renew ang kanilang passports na hindi na kailangan ng personal appearance.

Bibigyan din ang mga senior citizen at persons with disability ng 50% discount sa processing, issueance o replacement ng pasaporte.

Facebook Comments