Panukalang pondo ng Office of the Vice President, aprubado na ng Senate committee

Inaprubahan na ng Senate committee ang panukalang badyet ng Officeof the Vice President (OVP) para sa 2022.

Sa ginanap na subcommittee level ng Senate committee on finance s pamumuno ni Senador Sonny Angara, kaagad inaprubahan ang badyet ni Vice President Leni Robredo sa loob ng 20 minuto.

Nagkaisa ang mga ito kabilang ang pagbabalik ng P223 milyong kinaltas ng DBM dahil sa nakuha nitong pinakamataas na auditing rating sa loob ng tatlong taon mula sa Commission on Audit (COA).


Bilang tugon, sinabi ni Angara na masasalamin sa kasaysayan na sinusuportahan ng Senado ang badyet ng OVP partikular ang pagkilos ni Robredo sa gitna ng pandemya.

Ipinanukala ni Robredo ang P714.5 milyong badyet pero binawasan ng DBM na umabot lamang sa P713.4 milyon sa National Expenditures Program.

Facebook Comments