Mariing tinutulan ng House of Representatives ang panukalang pondo ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nakapaloob sa 2022 national budget.
Ayon kay Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas, kwestiyunable na ang pag-hire ng 375 contract of service personnel ng PCOO na naka-flag sa Commission on Audit (COA).
Lumalabas kasi sa itatalaga bilang “trolls” sa social media ang mga personnel na pinabulaanan naman ng PCOO.
Hindi naman nasiyahan si Brosas sa accomplishment reports ng contract of service dahil hindi ito sumasalamin sa aktwal na trabaho ng isang personnel.
Aabot sa P801.74 million ang panukalang pondo ng PCOO sa 2022.
Facebook Comments