Vaccination Rollout sa Region 2, Tuloy-tuloy pa rin

21

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng vaccination sa buong Lambak ng Cagayan.

Ayon sa DOH Region 2, umabot na sa 456, 879 ang fully vaccinated sa rehiyon.


Katumbas ito ng 35 porsiyento sa mahigit 1.2 milyon na target mabakunahan sa buong rehiyon.

Ang mga natapos na sa kanilang first dose at naghihintay na lamang ng kanilang schedule para sa kanilang 2nd dose ay nasa 665, 408 na.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ng Kagawaran ng Kalusugan sa mamamayan na magpabakuna dahil ito lamang ang solusyon para mapababa ang bilang ng hawaan ng COVID-19 sa rehiyon.

Facebook Comments