Panukalang pondo para sa pagsasaayos ng Marawi na nasira dahil sa giyera, inihirit muli ng DND

Ipinanawagan muli ng Department of National Defense (DND) sa Senado ang P188 million pondo para sa konstruksyon ng military camp sa Marawi City na nasira dahil sa giyera.

Sa ginanap na pagdinig sa panukalang pondo ng DND kahapon, sinabi ni Philippine Army Commanding General Andres Centino na kailangan nila ang P188 million bilang pondo sana noong 2019.

Unang dininig ang pondo sa Senado pero hindi ito pumasa sa Department of Budget and Management (DBM).


Ngayong pagdinig sa 2022 National Budget, umaasa si Centino na maaaprubahan na ang nais na pondo.

Sa ngayon, inatasan na ni Senator Francis Tolentino ang DND na muling ilabas ang mga detalye ng proyekto para sa review.

Tinatayang nasa P297.1 billion ang panukalang pondo ng DND para sa 2022.

Facebook Comments