Panukalang privatization sa maintenance at operation ng NAIA, suportado ng ilang senador

Suportado ni Senator Francis Escudero ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) na mag-takeover o magkaroon ng private sector sa pag-me-maintain at operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Naniniwala si Escudero na higit na may kakayahan ang private sector kumpara sa gobyerno sa pagpapatakbo at pag-me-maintain ng paliparan.

Naniniwala si Escudero na dapat bukas sa lahat ng kwalipikadong bidder lokal man o dayuhang kumpanya sa pagpapatakbo sa operasyon ng NAIA.


Gayundin dapat anIyang gawin ang partnership ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagpapatakbo ng NAIA alinsunod sa procurement procedure at alinsunod sa kaukulang batas at mga regulasyon.

Ang panukalang pagpasok ng pribadong sektor sa operasyon at pag-me-maintain ng NAIA ay nakapaloob sa feasibility study para sa NAIA rehabilitation program na isinumite para sa pag apruba ng ational Economic and Development Authority (NEDA).

Matatandaang dalawang beses na nagkaaberya o nagkapower shortage sa NAIA dahilan para maperwisyo ang mga pasahero.

Facebook Comments