Panukalang rationalization ng disability pension ng mga beterano, pasado na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7939 o panukala para i-rationalize ang disability pension ng mga beterano.

268 mga mambabatas ang bomoto pabor sa panukala na inaasahang pakikinabangan ng 4,386 pensionado oras na maging ganap na batas.

Nakapaloob sa panukala na itataas sa P4,500 hanggang P10,000 ang kasalukuyang disability pension rate na mula P1,000 hanggang P1,700.


Itataas naman hanggang P1,000 pesos ang P500 na pension na natatanggap kada buwan ng asawa o anak na menor de edad ng isang beterano.

Oras na maisabatas, ang paunang pondo na kakailanganin sa implementasyon nito ay ikakarga sa Pension and Gratuity Fund at sa mga susunod na taon ay ipapaloob na sa General Appropriations Act.

Facebook Comments