Hindi pabor si Covid-19 Response Chief Implementer Carlito Galvez na panawagan na re-opening ng mga malls matapos ang lifting ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Galvez, sa kanyang personal na opinyon, kapag binuksan agad ang mga mall ay posibleng magdulot ito o magkaroon ng second wave ng COVID-19 sa bansa.
Ang reaksyon ni Galvez ay kasunod ng panukala ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion magkaroon ng unti-unting pagbubukas ng mga malls at ilang stores sa bansa.
Giit ni Galvez, kapag binuksan ang lahat ng negosyo ay maaaring malagay sa alanganin ang kalusugan ng mamayan.
Binigyan diin ng opisyal na hindi maaaring madaliin ang pagbabalik sa normal sa lahat kung saan ipapatupad na ang tinatawag na “new normal” sa sandaling i-lift ang ECQ.