Inaprubahan na ng Senate Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement ang panukalang batas na layuning i-subsidy o ambagan ng pamahalaan ang upa sa bahay ng mga Informal Settler Families o ISFs.
Ayon kay Senator Francis Tolentino, na siyang Chairman ng nabanggit na komite, saklaw ng panukala ang mga ISFs sa Metro Manila at ilang urban areas sa Pilipinas.
Sila yaong kailangang umupa ng bahay dahil naantala ang kanilang relokasyon sa mga pabahay ng gobyerno bunga ng COVID-19 pandemic.
Tatagal ang subsidiya ng limang taon o hanggang makalipat na sa formal housing settlement ang ISFs.
Bumuo naman ang komite ng Technical Working Group na siyang magsasapinal sa halaga ng subsidiya.
Facebook Comments