Panukalang Sugar Import Liberalization, kinuwestyon ng mga Senador  

Kinuwestyon ng Senado ang Department of Agriculture (DA) tungkol sa panukalang Sugar Import Liberalization.

Sa ilalim ng panukala, tatanggalin ang limitasyon sa pag-aangkat ng asukal.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kung ipapatupad ito ay posibleng maapektuhan ang limang Milyong manggagawa mula sa sugar industry.


Sabi pa ng Senador ay hindi pa ito napapanahon.

Kapos aniya ang 300,000 Metric tons na produksyon ng asukal sa bansa pero sapat ito kung ipapatigil ang pag-e-export at palalakasin ang sugar industry.

Sinabi naman ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson, Sen. Cynthia Villar, posibleng pag-ugatan ito ng korapsyon.

500 Milyong piso ang hinihinging budget ng Sugar Regulatory Commission (SRA) at higit 90% nito ay nakalaan sa paggawa ng farm to mill roads.

Bukod sa pagtulong sa mga magsasaka, ipinababago ng mga mambabatas ang nabanggit na pondo at isinusulong ang modernisasyon sa mga planta at gilingan ng asukal sa mga top sugar producing areas sa bansa.

Facebook Comments