Panukalang taasan ang parusa laban sa opisyal ng gobyerno na sabit sa perjury, isinusulong ni Senadora Leila De Lima

Manila. Philippines – Isinusulong ni Senadora Leila De Lima ang panukalang taasan ang parusa laban sa opisyal ng gobyerno na sabit sa perjury at ang pamumuwersa sa isang indibiduwal na magsinungaling under oath o bawiin ang naunang testimonya.

 

Sa isinumiteng Senate bill no. 1359, pabibigatin ang parusa laban sa perjury at subornation of perjury sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa articles 180,183 at 184 ng revised penal code.

 

Sa ilalim ng revised penal code, ang parusa sa perjury ay kulong lang ng mula apat na buwan hanggang dalawang taon at apat na buwan.

 

Nais ni De Lima na taasan ito ng two degrees kung kayat magiging six years hanggang ten years na ang kulong sa perjury.

 

Ang subornation of perjury naman ay hindi pinarurusahan sa batas subalit ang “direct induction of a person by another to commit perjury” ay may karampatang parusa sa ilalim ng article 183 in relation to article 17.

 

Ayon kay De Lima – ang taong pinuwersa lang upang magsinungaling sa korte ay bibigyan ng pagkakataon na maabsuwelto kung mapapatunayan niyang siya ay pinilit lang upang magsinungaling o bawiin ang naunang testimonya.

 

Ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno naman na napatunayang nagkasala sa perjury at subornation of perjury ay mas mataas naman ang parusa at hindi na rin makakaupo sa alinmang puwesto sa gobyerno sa tanang buhay nila.



Facebook Comments