Sa botong pabor ng 251 mga kongresista ay pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 8525, o ang panukalang “Tatak Pinoy Act.”
Ang panukala ay isa sa mga prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at ng administrasyong Marcos.
Nakapaloob sa panukala ang pagbalangkas ng Tatak Pinoy Strategy (TPS), upang pasiglahin ang lokal na kalakalan at ang kanilang ugnayan sa value chains.
Sa ilalim ng panukala ay lubos na isusulong ang mga serbisyo at produktong na gawang Pilipino.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, daan ang panukala para higit na mapasigla ang ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga lokal na negosyante.
Tiwala si Romualdez na higit ditong makikinabang ang mga mahihirap, magsasaka, katutubong komunidad at mga nasa hanay ng Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs).