Panukalang titiyak sa patuloy na implementasyon ng ‘big ticket’ infrastructure projects, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 8078 o ang panukalang “30-Year National Infrastructure Program” mula ngayong 2023 hanggang 2052.

254 na mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala na kasama rin sa priority measure ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at ng administrasyon.

Layunin ng panukala na tiyakin ang tuloy-tuloy na pagpapatupad at implementasyon ng iba’t ibang ‘big ticket’ infrastructure project kahit magpalit ang administrasyon.


Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, saklaw nito ang mga proyektong pang-inprastraktura sa sektor ng transportation, energy, water resources, information and communications technology gayundin sa agri-fisheries modernization at food logistics projects.

Facebook Comments