COVID positivity rate sa NCR, bumaba pa sa 21.2%

Bumaba pa sa 21.2% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.

Ayon sa OCTA Research Group, ito ay mula sa 25.2% positivity rate noong Mayo 21.

Bumaba rin anila ang reproduction number sa 0.97 o mas mababa sa 1 na naitala noong Mayo 26.


Habang bahagya namang tumaas ang hospital occupancy sa 29.1% nitong Mayo 28 mula 28.8% noong Mayo 21.

Una nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mas mababa ng 6 percent ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments