Panukalang trust fund para sa mga magniniyog, muling inihain sa Senado

Manila, Philippines – Muling inihain ni Senator Kiko Pangilinan ang Coco Levy Fund Bill na nagtatakda ng trust fund para sa mga magsasaka ng niyog.

Ang panukala ay pinagtibay ng 17th Congress pero vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kakulangan ng safeguards o proteksyon laban sa pag-abuso sa pondo na maaring maging paglabag sa konstitusyon.

Gagamitin sa naturang trust fund ang coconut levy fund na naipon simula noong Marcos administration pero sinamantala umano ng mga Marcos crony.


Giit ni Pangilinan, 40-taon ng hinihintay ng mga magniniyog na mapakinabangan ang nabanggit na pondo bilang tulong sa pagkalugmok nila sa hirap at bumabagsak na industriya ng niyog.

Samantala, sumentro din sa agrikultura, kalikasan at civil service ang sampung panukalang batas na inihain ni Pangilinan.

Kinabilangan ito ng mga panukala para sa Post-Harvest Facilities, Organic Farming, Expanded Crop Insurance, National Land Use Act of 2019.

Isinulong din ni Pangilinan ang pagtatayo mg Department of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Disaster and Emergency Management, Rainwater Management Bill, Single-Use Plastic Regulation and Management Act at Basic Education Teachers Pay Increase Act.

Facebook Comments