Panukalang tutugon sa teenage pregnancy, mahalagang maisabatas agad

COURTESY: KHI/2020/Marino M. Abogado Jr., 29 July 2020

Nanawagan si Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano Hernandez sa mga kasamahang mambabatas na aksyunan na ang mga panukalang tutugon sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan.

Tinukoy ni Hernandez ang 2019 Save the Children Childhood Report kung saan naitala ang 5.99 sa mga batang Pilipino ang apektado ng teenage pregnancy.

Binanggit din ni Hernandez ang 2022 National Demographic and Health Survey na nagpapakitang 5% ng mga Pilipina na edad 15-19 ang nabuntis na habang lumalabas naman sa datos ng civil registry na dumami ang mga batang babae na edad 10-14 na nabubuntis.


Kasabay nito ay iminungkahi rin ni Hernandez na paigtingin ang youth social development program para mailayo sa sexual activity ang mga bata at mainam na rin na pag-ibayuhin ang information-education campaign patungkol sa mga suliraning hatid ng maagang pagbubuntis.

Facebook Comments