Dalawang miyembro ng Mabalacat PNP Station Drug Enforcement Unit sa Pampanga, patay matapos tambangan ng riding-in-tandem

Agad na binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Mabalacat City Police Office sa Pampanga matapos tambangan ng riding-in-tandem.

Ang pamamaril ay naganap sa pagitan ng alas-3:30 kaninang madaling araw.

Ang mga suspek ay limang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng bonnet at long sleeves at sakay ng dalawang motorsiklo.


Kinilala ang mga nasawi na sina PSMS. Sofronio Capitle Jr., at PSSG. Dominador Gacusan Jr.

Batay sa imbestigasyon, ang dalawa ay galing sa isang anti-illegal drugs operation.

Habang sakay sila ng isang motorsiklo, nakabuntot na sa kanila ang mga suspek at nang makarating sa kahabaan ng South Daang Bakal Road, Brgy. Dau, Mabalacat City dito na nila pinaputukan ang mga biktima dahilan para matumba sila sa lupa.



Bumaba pa ang mga suspek sa kanilang mga motorsiklo at pinagbabaril nang malapitan ang mga biktima sa kanilang ulo na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Facebook Comments