Panukalang Universal Health Care Bill, umusad na sa Senado

Manila, Philippines – Umusad na sa Senado ang panukalang Universal Health Care.

Inendorso ito sa plenary debate ni Senador JV Ejercito Chairman ng Committee on Health.

Sinuportahan naman siya ni Senador Sonny Angara, Senador Joel Villanueva at Senadora Risa Hontiveros.


Ayon kay Ejercito, layong ng Universal Health Care na mabigyan ang lahat ng Filipino ng access sa murang gamot at pagpapagamot.

Dahil aniya, sasaklawin na itong lahat ng PhilHealth.

Facebook Comments