PBA | Ilang players ng San Miguel at Ginebra, pinagmulta matapos ang mainitang laban

Manila, Philippines – Pinagmulta ng PBA ang ilang players ng San Miguel at Barangay Ginebra matapos ang mainitan nilang laban sa game 2 Commissioner’s Cup finals.

Pinagmulta ng liga si Chris Ross ng P2,600 dahil sa dalawang technical fouls habang si Arwind Santos naman ay pinagbayad ng P5,000 dahil sa flagrant foul, na unang tinawag na penalty 2 pero ibinaba ito sa penalty 1.

Pinatawan din ng P5,000 na multa ang import ng Beermen na si Renaldo Balkman dahil sa flagrant foul penalty 1.


Samantala, tig-P1,000 ang multa kina Kevin Ferrer at Joe Devance ng Ginebra dahil sa technical foul for second motion matapos i-review ang laro.

Matatandaan na bumawi ang Beermen at tinalo ang Ginebra sa score na 134-109 sa best-of-7 series kung saan tabla ang serye sa tig-isang panalo.
Muli silang maghaharap sa game 3 mamayang alas-7:00 ng gabi sa The Big Dome.

Facebook Comments