Panukalang Vaccine Indemnification Fund, papasertipikan na urgent kay Pang. Duterte

Hihilingin ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify as urgent ang panukalang Vaccine Indemnification Fund.

Giit ni Go, napakahalaga ng panukala at kailangan itong maisabatas sa lalong madaling panahon dahil kasama sa requirements ng mga manufacturers ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Go, malaking parte ito ng ating National COVID-19 Vaccine Roadmap at kailangan ito upang tuloy-tuloy na ang pag-rollout ng mga bakuna sa ating bansa.


Binanggit ni Go na inaasikaso na ito ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 at pinag-aaralan na rin ng government finance managers kung saan kukunin ang pondo.

Dagdag pa ni Go, ginagawa na ang report ng Senate Committee on Finance, sa pamumuno ni Senator Sonny Angara, upang maisama ito sa ide-deliberate sa plenaryo.

Facebook Comments