Friday, March 20, 2026

Panukalang wealth tax, kailangang maipasa sa lalong madaling panahon

Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña sa mga mambabatas ang kahalagahan na maipasa sa lalong madaling panahon ang inihain nilang House Bill 4304 o panukalang Solidarity Contribution Act na tinatawag ding “Wealth Tax.”

Nakapaloob sa panukala ang pagpapataw ng 1.5% hanggang 3% na buwis sa 15 pinakamayayamang mga Pilipino na nasa Forbes list o yaong may kabuuang yaman na mahigit sa P300 Million.

Ayon kay Cendaña, tinatayang aabot sa P78 Billion ang pwedeng ma-generate mula sa wealth tax na maaring gamiting pangpondo sa climate change adaptation, universal healthcare, People’s Survival Fund, Calamity Funds, Quick Response Funds at sa mass transport system.

Diin ni Cendaña, huwag na sanang patagalin ng Kongreso ang pagtalakay sa panukala dahil malaki ang maitutulong nito sa mamamayan lalo na sa panahon ngayon na umiiral ang pandaigdigang krisis dulot ng gulo sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments