Dinipensahan ni Senate Committee on National Defense Chairperson Senator Ping Lacson ang panukalang ₱19 billion na pondo para sa Anti-Insurgency Task Force sa 2021.
Ayon kay Lacson, hindi naman ito mapupunta sa mga militar kundi sa mga programa para sa kaunlaran kagaya ng pagpapagawa ng farm-to-market roads at mga kabuhayan.
Paliwanag ng senador, babalik lamang ang problema ng insurhensiya sa mga cleared barangay kung hindi mag-iiwan ang mga militar ng mga pangunahing kinakailangan ng mga residente.
Hindi rin aniya natatapos sa mga military operation ang paglaban sa communist insurgency kung kaya’t kinakailangan ng pondo ng security sector para mapaunlad ang mga na-clear nang mga barangay.
Facebook Comments