Isusumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang panukalang 4.1 Trillion Pesos National Budget para sa taong 2020.
Una nang nagpahayag ng kumpiyansa sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Bienvenido Abante na maipapasa ang spending bill bago ang break ang kongreso sa October 4.
Ayon kay Budget Acting Sec. Wendel Avisado, target nila ay “efficiency,” “quality,” at “faster.” Na pagpasa sa national budget.
Sinabi ni Cong. Romualdez, ang pagpasa sa pambansang pondo at iba pang priority measures sa tamang oras ay makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya.
Para kay House Committee on Appropriations Chairperson, davao rep. Isidro Ungab – maipapasa nila ang General Appropriations Bill sa ikatlo at huling pagbasa bago dumating ang Oct. 4.
Ang panel ni Ungab ay magsasagawa ng pagdinig sa National Budget mula Lunes hanggang Biyernes, simula sa Huwebes August 22.