Panuklang Bayanihan 3 at Cha-Cha, hindi kasama sa mga target ipasa agad ng Senado

Hindi kabilang ang Bayanihan 3 at Charter Change (Cha-Cha) sa mga panukala na sisikaping maipasa ng Senado bago magsara ang kanilang session ngayong Huwebes.

Paliwanag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, wala na silang panahon para sa panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon dahil puno na ang kanilang schedule.

Ayon kay SP Sotto, ang panukalang Bayanihan 3 naman ay hindi pa umaakyat sa Senado at nasa Kamara pa.


Sabi pa ni SP Sotto, sa kanilang pulong ukol sa legislative agenda kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea ay hindi rin binanggit ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Cha-Cha at Bayanihan 3.

Ipinaliwanag naman ni SP Sotto na bagama’t hindi maipapasa ang Cha-Cha at Bayanihan 3 ay mayroon naman silang mga panukalang sinisikap maipasa na layuning magpasigla sa ekonomiya at hihikayat sa dayuhang investors.

Facebook Comments