Panuntunan sa booster shot, inilabas na ng DOH

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang operational guidelines para sa pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccine sa frontline healthcare workers.

Base sa panuntunan, isang dose muna ng booster shot ang ibibigay sa healthcare workers.

Ayon kay Dr. Beverly Ho ng DOH, kabilang sa mga bakunang aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang booster vaccine para sa priority group A1 o essential healthcare workers ay Pfizer-BioNTech, Moderna, Sinovac at AstraZeneca.


Kasama rin sa guidelines na inilabas ng DOH ang pagtuturok ng booster dose ng hindi bababa ng anim na buwan matapos makumpleto ang bakuna mula sa Pfizer, Moderna, Sinovac, Gamaleya at AstraZeneca.

Maaari namang turukan na ng booster dose ang mga nakatanggap ng bakuna mula sa Johnson & Johnson makalipas ang tatlong buwan.

Maaari namang makapili ang health care worker kung nais nito na parehong brand o homologous o magkaibang brand o heterologous.

Facebook Comments