Panuntunan sa pagpapatupad ng parusang community service para sa maliliit na kaso, inaprubahan na ng SC

Inaprubahan na ng Supreme Court (SC) ang guidelines sa pagpapatupad ng community service bilang parusa sa mga akusadong nahatulan sa minor offenses.

Layon nito na maiwasan ang pagsisiksikan sa mga kulungan.

Epektibo sa November 2, 2020, ang pagpapataw ng community service penalty sa mga convicted sa magagaan na kaso.


Sa ilalim ng panuntunan ng Korte Suprema, kailangan abisuhan ng hukom sa open court ang isang convicted na akusado na may option siyang gawin ang community service sa lugar kung saan nangyari ang krimen.

Kapag inapela naman ng convicted ang hatol sa kanya na community service, otomatikong hindi na siya maaaring mag-apply para sa community service o probation.

Sa sandaling matanggap ng Korte ang application para sa community service, kailangan nitong abisuhan ang barangay chairperson o authorized representative ng barangay na pinangyarihan ng krimen gayundin ang kinatawan mula sa Provincial o City Probation Office at ang Social Welfare Development Officer ng LGU.

Facebook Comments