Memes sa Facebook, oks lang kay Sec. Roque

74

Kasabay ng naglutangang Facebook memes ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque makaraan nitong imbitahin ang publiko na pumasyal sa Boracay at magbakasyon, sinabi ng kalihim na hindi siya na-offend o nasasaktan kung ginagawa siyang katawa-tawa sa social media.

Ayon kay Roque, sa panahon ng pandemya ay natutuwa siya dahil kahit papaano ay mayroon siyang kontribusyon upang maaliw ang publiko.

Pabiro pang sinabi ng kalihim na ang paborito niyang meme ay ang kasama niya ang The Avengers, dahil maliban umano sa kamukha niya ang mga ito ay kasing-katawan pa.

Kasunod nito, iginiit ni Roque na sa panahon ngayon ay kailangan talaga ng may konting aliw base na rin sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan mag-ingat para makapaghanapbuhay kahit nandiyan pa ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments