Panuntunan sa pagsasailalim sa state of calamity ng isang lugar, inilahad ng Task Force El Niño

Inilahad ng Task Force El Niño ang mga pamantayan bago isailalim sa “state of calamity” ang isang lugar dahil sa tagtuyot.

Ayon kay Task Force El Niño Spokesperson at PCO Assistant Secretary Joey Villarama, isa sa kanilang mga ikinokonsidera ay kung umabot sa 15% ang naapektuhang populasyon sa isang bayan.

Sa aspeto naman ng livelihood, maaaring makapagdeklara ng state of calamity kung aabot sa 30% ang mga residenteng apektado ang kabuhayan dahil sa tagtuyot.


Sa oras na isailalim sa na sa state of calamity ang isang lugar ay maaari nang pumasok ang national government para sa angkop na tulong.

Samantala, nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi pa nito nakikita ang pangangailangang na magdeklara ng national state of calamity sa buong bansa dahil sa El Niño.

Facebook Comments