Panuntunang inilabas ng COMELEC tungkol sa pangangampanya sa gitna ng pandemya, dapat ikonsiderang muli ng ahensya, ayon sa Lacson-Sotto tandem

Inihayag nina presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice-presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat magpatupad ng adjustment ang Commission on Elections (COMELEC) tungkol sa panuntunan o guidelines sa pangangampanya na kanilang inilabas.

Tinutukoy nina Lacson at Sotto ang Comelec Resolution No. 10732, kung saan ipinagbabawal ang pagkamay, pagyakap, pagse-selfie at pamimigay ng pagkain sa mga tao na nasa campaign rallies, meeting-de-avace, at convention.

Ayon kay Lacson, hindi praktikal ang ilan sa mga regulasyon na ito kung saan ipinunto nito ang pakikipag-selfie ng publiko sa mga kandidato.


Paliwanag ni Lacson, hindi naman mapipigilan ang mga tao na makipag-selfie.

Sinabi naman ni Sotto na gawing apela o panawagan nalang ang mga regulasyon na ito sa halip na ipatupad sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Giit pa ni Sotto, wala rin sa kapangyarihan ng COMELEC na makialam sa isang health issue.

Isa pa aniya, labag ito sa Bill of Rights o mga karapatan ng isang Pilipino na nakasaad sa konstitusyon.

Facebook Comments