Panunuhol sa mga pamilya ng Dengvaxia victims, itinanggi ng DOH

Manila, Philippines – Itinanggi ng Department of Health (DOH) na sinuhulan nito ang mga pamilya ng ilang biktima ng anti-dengue vaccine na ‘Dengvaxia’.

Ito ay matapos sabihin ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na binayaran ng DOH ang nasa apat na pamilya ng tig-₱50,000 para bawaiin ang mga isinampa nitong reklamo.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – napaka-malisyoso, walang basehan at puro kasinungalingan ang alegasyon ang ibinato ng PAO.


Aniya, matinding kasiraan ang idinudulot nito sa reputasyon ng DOH.

Iginiit ni Duque na gumawa siya ng proactive measures para matugunan ang mga concern kaugnay ng Dengvaxia crisis na namana niya mula sa mga dating kalihim ng ahensya.

Dismayado rin si Duque dahil tila binabaligtan at ginagawang negatibo ang tulong nila sa publiko.

Mula nitong December 2018, ang criminal charges na isinampa kaugnay sa Dengvaxia-related deaths sa bansa ay umakyat na sa 30.

Facebook Comments