RIDO Settlement at Balik Baril Program isinagawa sa Buldon Maguindanao

17

Nagpapatuloy ang inisyatiba ng LGU ng Buldon sa Maguindanao para mamentina ang katiwasayan sa kanilang bayan.
Kasabay ng pagsapasok ng 2019, muling nagsagawa ng RIDO Settlement ang mga opisyales ng Buldon na pinanguhan ng ama ng bayan Mayor Abolais Manalao sa Brgy. Nuyo sa pagitan ng pamilyang Mangurong at Ape.
Kapwa nanumpa sa banal Quran ang mga involved na pamilya at kapwa nangako na susunod sa mga napag-usapan ayon pa kay Mayor Manalao.
Bukod sa muling naayos ang umuusbong na away pamilya, nakiisa rin ang mga ito sa Balik Baril Program. Isang High Powered Firearm at 2 pistola at mga bala ang isinuko ng mga ito sa gobyerno dagdag ni Mayor Manalao.
Dumalo rin sa aktibidad si Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan at 37th IB Commander Roberto Go Jr.

Facebook Comments