Panunumbalik ng Mandatory ROTC, Kinakailangan

Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Malaki ang maitutulong ng Reserve Officer Training Corps o ROTC Training.

Ito ang binigyan diin ni MGen Paul Talay Atal, ang Commanding General ng 5ID Division, Philippine Army sa panayam sa kanya ng lokal na media matapos ang seremonya ng pagkilala sa 133 ng mga bagong sundalo sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela sa Setyembre 29, 2017.

Kanyang tinuran na bagamat kasalukuyan ang pagrerekruit sa mga karagdagang tropa ng sandatahang lakas batay sa kahilingan ni Presidente Rodrigo Duterte ay kailangan ng bansa ang inaasahang puersa sa panahon ng pangangailangan.


Ayon sa kanya, ang mga ROTC cadets ay isa sa mga pinanggagalingan ng mga regular na sundalo at napakalaking bagay ang ginagampanan nito sa AFP bilang force multipliers.

Idinagdag pa niya na napakainam sa bansa kung ang lahat ng mga may pisikal na kapabilidad na mamamayan ay kayang tumugon sa pangangailangan ng bansa sa anumang oras.

Magugunita na dahil sa umiigting na panawagan ng ilang sektor ay may mga panukala ngayon sa kongreso maibalik ang mandatory ROTC sa mga kolehiyo.

Facebook Comments