Visayas – Posibleng abutin pa ng Agosto bago maibalik ang supply ng kuryente sa maraming lugar na naapektuhan ng lindol sa Visayas.
Inamin ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na sa katunayan sa pagtaya nilang July 31 hanggang August 1, 160 megawatts pa lamang na power supply ang maibabalik.
Ito ay katumbas aniya ng 55 percent pa lamang ng kabuuang demand ng kuryente sa Leyte, Samar at Bohol.
Nananatiling blangko ang Department of Energy sa eksaktong time frame kung kailan maibabalik ang kabuuang supply ng elektrisidad sa mga nilindol na lugar sa Visayas.
Idinagdag ni Fuentebella na sa July 19 ay magkakaroon ng 40 megawatts na kuryente mula sa Tongonan Geothermal Plant, subalit hindi ito sasapat para sa supply sa mga probinsyang naapektuhan ng lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558