Manila, Philippines- Posibleng abutin pa ng isang linggo bago manumbalik ang supply ng kuryente sa mga lugar sa Visayas na naapektuhan ng lindol.
Sa ngayon, nagpapatupad ng bente kwatro oras na shifts ang Dept. of Energy para mapabilis ang ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa Visayas lalo na sa Leyte.
Kabilang din sa tina-trabaho ng mga tauhan ng DOE ang mga napinsalang power plants.
Ilan din sa mga transformer ng kuryente sa Visayas ang napinsala ng lindol at patuloy na kinukumpuni.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments