Panunumpa ng mga bagong miyembro ng PROMDI mula sa Maguindanao at North Cotabato, pinangasiwaan ni Senator Pacquiao

Pinangasiwaan ni Presidential Aspirant Sen. Manny Pacquiao ang panunumpa ng 700 mga bagong miyembro ng Progressive Movement for the Devolution Iniatives (PROMDI).

Sila ay mga lokal na kandidato sa Maguindanao at North Cotabato.

Ginanap ang oath-taking rites sa Family Country Hotel and Convention sa General Santos City kahapon.


Sa kaniyang talumpati sa oath-taking ceremony ay idinepensa ni Pacquiao ang pagsuporta kay PROMDI governatorial bet Hajji Yasser Ampatuan.

Iginiit ni Pacquiao na bagama’t isang Ampatuan, wala itong kinalaman sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre na kumitil sa 58 katao kabilang ang 34 mamamahayag.

Samantala, alas-9:00 naman ngayong umaga ay magmo-motorcade si Pacquiao sa buong Gensan.

Masusundan ito ng pamimigay niya ng ayuda sa mga biktima ng sunog na idaraos sa Romana Elementary School.

Facebook Comments