Panunumpa sa Kaligtasan at Kalikasan Program, Inilunsad!

*Tuguegarao City, Cagayan- *Matagumpay na idinaos ang paglulunsad ng bagong programa ng kapulisan na pinamagatang KALIGKASAN sa Lalawigan ng Cagayan kahapon, Mayo 21, 2019.

Dinaluhan at nanumpa sa nasabing programa ang iba’t-ibang sektor ng komunidad na naglalayong paigtingin ang pangangalaga at pagbabantay sa kalikasan at yamang mineral ng Lalawigan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Sharon Malilin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), ang nasabing programa ay boluntaryong serbisyo mula sa mga barangay peacekeeping action team (BPATS) na mula pa sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan, mga kinatawan ng DOT, DILG at lokal na DENR na naglalayong isulong ang pagsasanay sa mga nasa barangay para sa tamang pangangalaga ng kalikasan.


Ayon kay P/Capt. Malilin, Isa sa mga mahahalagang pag-uugali ng isang pulis st alagad ng batas ay ang pagiging makakalikasan na kanilang dapat gampanan sa lipunan.

Dagdag pa ni P/Capt. Malilin, ang mga volunteer ng nasabing programa ay may karapatan na ipatupad ang batas na manghuli sa sino mang mangangahas na sirain ang kalikasan.

Habang may panukala naman ang hanay ng kapulisan sa Cagayan na dagdagan at magsanay ng mga Tourist Police na ngayon ay nakatalaga sa ilang mga lugar na dinarayo ng mga turista sa Lalawigan.

Facebook Comments