Umapila ang Public Atty.’s Office sa Manila Regional Trial Court Branch 10 upang mapalaya ang isang Petioners na hapos tatlong taon ng nakadetene sa Immigratin Jail sa Bicutan.
Sa Motion for Reconsideration hiniling ni PAO Chief Persida Acosta na bawiin ni Judge Danilo Leyba ang naunang desisyon na nagbabsura saPetition for Habeas Corpus para makalabas ng piitan si Walter Manuel F. Prescott.
Ang Petitioner na isang dating US at Filipino citizen ay inireklamo sa Bureau of Immigration ng kanyang dating asawa noong taong 2016.
Dahil dito kinansela ang lahat ng kanyang mga dokumento na nagresulta upang ideklara siyang illegal alien.
Gayunman tinalikuran na ng Petitioner ang kanyang pagiging US citizen at nanumpa bilang isang Pilipino.
Subalit sakabila nito ay ayaw pa rin palayain sa pagkakakulong sakabila ng wala naman itong kahit anumang kaso.