Paolo Duterte, pinatitigil ang mga kritiko na pagdiskitahan ang kanyang tattoo

Niresbakan ni presidential son, dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang kanyang mga kritiko nitong gustong ipasapubliko ang kanyang tattoo.

Sa kanyang Facebook post, binanatan ni Pulong ang kanyang mga kritiko na tila ginagawang “pulutan” ang kanyang tattoo.

Dagdag pa niya, huwag na lang pakialaman ang kanyang tattoo at sa halip magpagawa na lamang sila ng sarili nilang tattoo.


Bago ito, naghubad ng damit pang-itaas si dating Presidential Assistant to the President Bong Go upang ipakita sa publiko na wala siyang tattoo sa likod.

Ang nakababatang Duterte at si Go ay iniuugnay ng video series na “ang totoong narco list” sa kalakalan ng ilegal na droga.

Facebook Comments